Huwebes, Setyembre 10, 2015

Solusyon

Nagising nalang ako isang araw sa sobrang gaan na ng pakiramdam ko. Yung parang wala ng mga pasanin. Anim na buwan narin simula nung sobrang ma- depress ako. Papaanong hindi? Sermon sa bahay, pambubulas sa school at pamamahiya ng guro, pakiramdam ko, ako na ang pinakamaliit na tao sa mundo. Pero kalimutan na natin yun. Pakiramdam ko talaga ang gaan- gaan ko, yung wala na akong pinapasang mundo. Siguro dahil to sa kakaiyak ko kahapon, sobrang nakakahiya yung araw na iyon, nag- umpisa sa pambubugbog ni itay kay inay, napagtawana ako sa school dahil wala akong pera pang-bayad sa module, at pinagtawana nila yung sapatos ko na tatlong taon ko nang ginagamit, wala kasing perang pambili. Iyak ako ng iyak nang kinagabihan at ang huli kong naalala...

Hindi... Hindi maari ito.


Ang huli kong naalala ay kumuha ako ng lubid at... Hindi...

27 komento:

  1. Napaka-depressing naman ng dagling ito. Dark, tragic, on the otherside-ish. Dapat ay malawak ang pag-iisip ng mga bumabasa ng ganitong uri ng dagli, lalo ngayon na laganap ang juvenile suicide. Gayun pa man, na-entertain din ako. Salamat sa sumulat.

    TumugonBurahin
  2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  3. Ang dagling ito ay sumasalamin sa mga taong nakakaranas ng matinding diskriminasyon na nagdudulot ng hindi magandang resulta. Ang pagpapakamatay ay hindi solusyon sa mga problemang kinahaharap ng isang tao, maraming magagandang paraan na makakatulong sa iyo upang ikay mapabuti.

    TumugonBurahin
  4. Hindi ko akalain na siya ay patay na sa buong kwento. Maganda ang naging twist ng dagli. Ang aral ay hindi kamatayan ang solusyon upang malagpasan ang bawat problema mo sa buhay.

    TumugonBurahin
  5. Sumasalamin itop sa tunay na buhay ng mga tao. Maraming problema sa mundo na hindi mo dapat sukuan at higit lalong wag gawin ang paraan ng pagpapakamatay upang malagpasan ang mga ito.

    TumugonBurahin
  6. ang istorya ang hango sa totoong pangyayari sa buhay ng tao,.lalo na sa buhay ng isang estudyante, inilalarawan lamang dito ang pinagdadaanan ng isang estudyante na nasa mababang antas ng buhay sa alta siyudad,inilalarawa kung paano binibigyan solusyon ng mga kabataan ang kanila problema ngunit sa maling paraan lamang.

    TumugonBurahin
  7. Maling Akala... Grabe akala ko nung una ang saya sa pakiramdam kse parang ang gaan gaan nung feeling nung character, tapos yun pala patay na siya kaya ganun ung feeling nya. at napagtanto ko na yun pala ung sinasabi niyang "solusyon" sa mga problema niya, well napahanga naman ako at nabigyan ng magandang plot twist ang dagling ito... Keep it up guys :)

    TumugonBurahin
  8. Maganda ang pagkakagawa ng dagli. Bago tayo manghusga ng kapwa ay dapat kilalanin muna natin siya dahil hindi naman natin alam ang storya ng kanyang buhay at ng mga problemang kanyang kinakaharap.

    TumugonBurahin
  9. Napakalalim ng kahulugan ng dagling ito.nakakainspire.hindi dapat natin pagtawanan o gawan ng kung ano ano ang taong iyon.dahil hindi natin alam may problema pala itong kinahaharap..mahusay!

    TumugonBurahin
  10. Maganda ang nilalaman ng dagli. Maiuugnay ito sa dinadanas ng mga estudyante ngayon. Sa sobrang hirap at pagod na kanilang dinadanas, maiisip nalang nila na gusto na nilang mawala sa mundo. Sa una, akala ko'y natutulog lang ang pangunahing tauhan ngunit sa katapusan ng kwento'y patay na pala ito. Ipinakita dito ang realidad. "Teoryang Realismo."

    Hindi naman po solusyon ang pagbibigti upang makatakas sa mapaglarong mundong ating kinagagalawan. Pahalagahan po natin ito hanggang mayroon pa.

    Maaari itong kapulutan ng aral ng ilang mga estudyanteng katulad ko. Good Job po! :))))))

    TumugonBurahin
  11. Maganda ang nilalaman ng dagli. Maiuugnay ito sa dinadanas ng mga estudyante ngayon. Sa sobrang hirap at pagod na kanilang dinadanas, maiisip nalang nila na gusto na nilang mawala sa mundo. Sa una, akala ko'y natutulog lang ang pangunahing tauhan ngunit sa katapusan ng kwento'y patay na pala ito. Ipinakita dito ang realidad. "Teoryang Realismo."

    Hindi naman po solusyon ang pagbibigti upang makatakas sa mapaglarong mundong ating kinagagalawan. Pahalagahan po natin ito hanggang mayroon pa.

    Maaari itong kapulutan ng aral ng ilang mga estudyanteng katulad ko. Good Job po! :))))))

    TumugonBurahin
  12. Maganda ang nilalaman ng dagli. Maiuugnay ito sa dinadanas ng mga estudyante ngayon. Sa sobrang hirap at pagod na kanilang dinadanas, maiisip nalang nila na gusto na nilang mawala sa mundo. Sa una, akala ko'y natutulog lang ang pangunahing tauhan ngunit sa katapusan ng kwento'y patay na pala ito. Ipinakita dito ang realidad. "Teoryang Realismo."

    Hindi naman po solusyon ang pagbibigti upang makatakas sa mapaglarong mundong ating kinagagalawan. Pahalagahan po natin ito hanggang mayroon pa.

    Maaari itong kapulutan ng aral ng ilang mga estudyanteng katulad ko. Good Job po! :))))))

    TumugonBurahin
  13. Maganda ang dagling ito, may twist ang kwento sa huli. Nakakatuwa at mapupulutan into ng aral. Nakakaingganyong basahin. Maganda run ang mensaheng nais iparating ng manunulat. :)

    TumugonBurahin
  14. Dito nasasalamin ang nararamdaman ng mga tao na nakakaranas ng pagkababa ng self esteem! Napaka-depressing ng dagli. Pero napakahusay :)

    TumugonBurahin
  15. Napakalalim ng gustong iparating ng dagling ito. Ang husay ng sumalat nito dahil maayos niyang naiparating nag gusto niyang sabihin sa kanyang mga mambabasa. Dapat na maging mabait tayo sa lahat ng taong ating makikilala, kakilala o kung sino pa man dahil hindi natin alam kung ano ang kanilang pinagdadaanan. Maaari lamang tayong makadagdag sa problemang ito kung sakali kaya naman tayo ay maging mabait. A very good writing style :) good job!

    TumugonBurahin
  16. Lubos kong naintindihan ang inyong dagli, magaling yung gumawa ng dagli nito matatanlinghaga grabe nakakaspeechless! mahusay!

    TumugonBurahin
  17. Nagsisilbi din na paalala ang dagling ito sa mga taong napakadaling manghusha kahit na di alam ang tunay na pinagdadaanan sa buhay ng iba. Ngunit kailanman ay hindi tamang wakasan ang buhay. Kahit na anong problema ang mayroon tayo, makakahanap din tayo ng solusyon.
    Ramdam talaga ng mambabasa ang emosyon ng tauhan sa dagli.

    TumugonBurahin
  18. Mahusay ang dagling ito! Ramdam ng nagbabasa ang emosyon at bigat ng kwentong nakasulat

    TumugonBurahin
  19. Ang ganda ng dagling ito..nkakadala sia ng mambabasa,nkakalungkot nga lang kc dun pa humantong ang kanyang depresyon.

    TumugonBurahin
  20. Napakaganda ng dagli... itoy sumasalamin sa estudyante at itoy kapupulutan ng aral... nagustuhan ko ang inyong dagli:)

    TumugonBurahin
  21. Melinda Mislang LiguitSabado, Setyembre 12, 2015

    Masasabi kong marami na sa kasalukuyan ang nakaranas nito marahil ay dala na rin ito ng matinding kalungkutan, problema at mga diskriminasyon na kanilang naranasan. Ipinapahiwatig ng dagling ito na ang mga taong mayroon o nakararanas ng matinding problema ay humahantong sa pagkitil sa kanilang buhay marahil ay dahil sa problema naiisip nila na tanging ang pagpapakamatay na lamang ang solusyon sa kanilang mga problema ngunit hindi, dahil ang pagkitil sa sariling buhay ay isang kasalanan dahil ang bawat buhay ng isang tao ay mahalaga kaya kung mayroon mang problemang kinakaharap dapat ay mas maging positibo pa sila sa buhay dahil ang pagpapakamatay ay hindi kailanman naging o magiging solusyon sa lahat ng problemang kinakaharap mo. Maganda ang pagkakagawa ng dagli na ito ngunit nakakalungkot din ang dagling ito. Akala ko nung una ay masaya ang kahahantungan ng dagli na ito dahil sa mga salitang ginamit nito ngunit noong unti unti kong tapusing basahin ang dagling ito ay napakalungkot pala. Mahusay! Mahusay! Nag-enjoy ako sa mga nabasa kong dagli ninyo.

    TumugonBurahin
  22. Vincent PanoringanLinggo, Setyembre 13, 2015

    Halos lahat talga ng tao nakaranas na ng ganito. Pero para dun sa mga palagian o madalas tandaan na "Hindi sulusyon na gawan mo ng masama ang sarili mo,para matapos ang problema mo".

    TumugonBurahin
  23. kinilabutan ako sa bandang huli ng dagli,
    ang akala ko nung una eh, nagkukwento lamang sa mga kaibagan, yun pala ei ngpakamatay na. napakagaling ng ginawa sa kwento na itinago ang tunay na itsura ng kwento

    TumugonBurahin
  24. Maganda at may saysay dahil naipakita ngsumulat sa kanyang dagli ang totoong nangyayari sa mga taong naaapi, kung paano sila pagtulungan apihin at naipakita rin kung ano ang maaring mangyari sa mga taong na naaapi na kapag sa sobrang depressed nila... nakikita nalng nilang solusyon ang magpakamatay. Mahusay!

    TumugonBurahin
  25. Hindi-nagpakilalaLunes, Setyembre 14, 2015

    Maganda ang kuwento dahil maraming makaka 'relate' dahil halos lahat ng kabataan ngayon nagdadaan sa pagiging 'depressed' dahil sa ibat ibang kadahilanan. Makikita rin dito kung ano ang dahilan ng biglaang pagpapakamatay ng isang tao

    TumugonBurahin
  26. Maikli, ngunit may mensaheng nais iparating,

    TumugonBurahin
  27. Hindi-nagpakilalaLunes, Setyembre 14, 2015

    Nagpakita ng aral ang dagling ito dahil naipakita ang mga maaring dahilan ng pagpapakamatay ng mga tao ngayon, na kapag nagpaapekto tayo sa mga pangungutya malululong tayo sa kalungkutan at ang isang solusyon na minsan na nakikita ay ang lagpapakamatay

    TumugonBurahin