Huwebes, Setyembre 10, 2015

Mabait na Anak


Ang bata ay may tatay. Ang tatay ay nagtatrabaho. Hindi naasikaso ang anak. Hindi gaanong naalagaan. Iiwanan lamang ng salapi. Binibigay ang mga kailangan. Gabi na umuuwi ang tatay. Tinanong ng anak ang sweldo ng tatay kada oras. Sinabi ng tatay. 1000 pesos ang kada oras sa trabaho. Nanghingi ang bata ng 1000 sa tatay. Binigyan ng tatay ng 1000 at tinanong. Nagtaka ang tatay sa anak. Binalik ng anak ang 1000 sa tatay. Sinabing "eto ang bayad niya sa tatay para bigyan siya ng isang oras lamang". Napaiyak ang tatay at niyakap ang anak.

46 (na) komento:

  1. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  2. Mahusay ang pagkakagawa ng dagling ito sapagkat maaari natin itong irelate sa ating buhay at makatotohanan ang mga pangyayari dahil nangyayari ito sa realidad sa pamilya.

    TumugonBurahin
  3. Simple subalit sapul ang realidad ng buhay

    TumugonBurahin
  4. Maganda ang mensahe ng dagling ito at sumasalamin ito sa kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa karaniwang panahon.

    TumugonBurahin
  5. Relate na relate ang mga kabataang may sobrang busy na mga magulang. Medyo may pagka-pilosopo ang banat, pero epektibo ang paraan ng pagpapa-abot ng mensahe.

    TumugonBurahin
  6. Isang magandang dagli na ayon sa realidad at marami ang nakaiintindi. Mahusay! Ito a

    TumugonBurahin
  7. maganda ang storya dahil sinasabi dito na hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera at kagamitan ang kalingang nararapat ibigay ng magulang sa kanilang supling

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Maganda ito. Hindi pera ang sulusyon para mapalaki ng maayos ang anak, mas kailangan ng anak ang gabay ng isang magulang hindi ito sa salapi. Hangad ng isang bata ang oras ng magulang para sa kanila

      Burahin
    2. Maganda ito. Hindi pera ang sulusyon para mapalaki ng maayos ang anak, mas kailangan ng anak ang gabay ng isang magulang hindi ito sa salapi. Hangad ng isang bata ang oras ng magulang para sa kanila

      Burahin
  8. Ang ganda ng pagkakagawa ng dagli namimiss ko ang tatay ko

    TumugonBurahin
  9. Mahusay ang istruktura ng dagling ito. kapupulutan mo ito ng aral. mairerekomenda ko itong mabasa ng iba pang tao.

    TumugonBurahin
  10. maganda ang nilalaman ng istorya,ipinahihiwatig lamang nito na higit sa anumang materyal na bagay oras o panahon ng bawat mgulang ang ninanais nga bawat mga anak na makamit

    TumugonBurahin
  11. Naging makabuluhan ang dagling ito . Nakakalungkot mang basahin pero ganon talaga ang realidad , naranasan mo man o hindi , mararamdaman mo yung sakit na epekto ng dagling ito ..

    TumugonBurahin
  12. Maganda ang pagkakagawa ng dagli dahil mas importante sa mga anak ang oras na makapiling/makasama ang kanilang mahal sa buhay kaysa puro bigay lang ng bigay ng pera. Dapat ay huwag natin sayangin ang oras na sila ay makasama dahil hindi mo alam kung kailan sila mawawala at baka pagsosihan mo yun sa huli kaya hanggat maaari sulitin mo na ang mga araw na makakasama mo sila.

    TumugonBurahin
  13. Mahusay ang pagkakagawa ng dagli dahil karamihan sa pamilya ganito ang sitwasyon.bigyan ng oras ang mga anak wag puro trabaho dahil nauuhaw ang mga anak sa pagaaruga at pagmamahal ng isang magulang.kailangang iparamdam niyo ito sa kanila.sulitin ang araw na kasama ang mga anak.napakagaling!

    TumugonBurahin
  14. Hindi lamang sapat ang salapi upang ipakita kung gaano mo siya kamahal, laging kailangan ng oras o atensyon din nila.maraming bata ang nakakaranas ng ganitong senaryo sa totoong buhay, iyong makikita sa dagling ito ang paghihingi ng atensyon mula sa kanyang tatay. maayos ang mga salitang ginamit upang maisalarawan ito ng mabuti.

    TumugonBurahin
  15. maganda dahil naipakita ng bata kung gaano niya kamahal ang kanyang ama ata naipakita rin ng ama kung gaano niya kamahal ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng 'financial support' dahil ginugugol na lamang ng tatay ang kanyang oras sa pagtratrabaho upang mapakain niya ang kanyang anak. Kaya mahusay ang nagsulat nito, ipagpatuloy pa :)

    TumugonBurahin
  16. Nagustuhan ko ang dagling ito dahil sa nakakaantig ito ng damdamin ng isang anak na naghahanap ng aruga sa isang magulang

    TumugonBurahin
  17. Mahusay at nakakamangha ang pagkakagawa.

    TumugonBurahin
  18. Mahusay ang pagkakagawa ng dagling ito. Tunay ngang nangyayari ito sa totoong buhay. Minsan nawawalan na ng oras ang mga magulang para sa kanilang anak. Ang rason kung bakit sila nagpapakapawis ay hindi na nila napapansin. Kailangan malaman ng mga magulang na hindi lamang ang mapakain ng talong beses sa isang araw ang kailangan nilang gawin. Nangangailangan din ang ang kanilang anak ng atensyon at suporta mula sa kanila. Kinakailangan nilang maramdaman na nandyan lagi ang kanilang mga magulang laging nakaalalay at susuporta sa kanila kahit anong mangyari habang sila ay naghahanapbuhay.

    TumugonBurahin
  19. Maganda ang mensahe ng dagli na ito.

    TumugonBurahin
  20. Maganda ang mensahe ng dagli na ito.

    TumugonBurahin
  21. Pinapahiwatig lang na di matutumbasan ng kahit anong posesyon o karangyaan ang pagmamahal ng tatay at ang oras na kasama ang miyembro ng Pamilya. Mas masarap parin ang mga momentong kapiling natin ang ating mahal sa buhay

    TumugonBurahin
  22. Napaka simple ngunit napaka makabuluhan dahil sa dagli na ito ay namumulat ang ating mga mata sa katotohan na mas importante ang oras kesa sa pera , dahil ang pera ay maari pang mabawi ngunit ang oras ay hindi na pwedeng ibalik muli

    TumugonBurahin
  23. magaling magaling.

    TumugonBurahin
  24. Ang dagling ito ay nakkaiyak, sapagkat karamihan sa ngayon ay ganyan na ang sitwasyon sa pagitan ng mga magulang at anak. At hindi natin mababayaran ang mga panahong kasama natin ang ating pamilya.

    TumugonBurahin
  25. Ang ganitong tipo ng mga sitwasyon ay napakaraniwan na. Tanging magandang kinubukasan na lamang ng mga anak ang iniisip ng mga magulang kaya napapabayaan na nila ito.

    Maiksi ngunit puno ng emosyon at damdamin. Sana ay mas marami pang makabasa ng maiksing salaysay na ito. Kudos!

    TumugonBurahin
  26. Maganda ang pagkakagawa ng dagling ito :) Sa una, nakaka-curious talaga. At di inaasahan ang wakas. Magaliiiing! XD

    TumugonBurahin
  27. Hindi natutumbasann ng pera ang kalinga ng isang magulang

    TumugonBurahin
  28. Maganda ang naging daloy ng kwento. Sinasalamin ang tunay na mga pangyayari na nagaganap sa ating lipunan, na sa sobrang pagpapagal ng ating mga magulang ay nalimutan na nilang laanan ng oras ang tunay na dahilan nang kanilang pagsisikap. Nakagigising na katotohanan!

    Itinutulay lamang ng akdang ito ang mambabasa sa tunay na puso ng pagpapahalagang Pilipino. Magaling!

    TumugonBurahin
  29. napakahusay ang mensahe nitong dagli :) magaling magaling!

    TumugonBurahin
  30. mahusay ang dagli na ito dahil maganda ang pinakita nitong mensahe lalong lalo na sa mga tatay na walang oras sakanilang mga anak :)

    TumugonBurahin
  31. mahusay ang dagli na ito dahil maganda ang pinakita nitong mensahe lalong lalo na sa mga tatay na walang oras sakanilang mga anak :)

    TumugonBurahin
  32. Npakagnda ng mensahe ng dagli n ito.lalo n sa mga magulang n wala ng oras para sa kanilang mga anak...

    TumugonBurahin
  33. Maikli at simple ngunit nagpahayag ng malaking aral ukol sa importansya ng oras para sa pamilya. Nagpatunay na hindi kailangan ng mahabang panitikan upang magparating ng aral sa mga mambabasa.

    TumugonBurahin
  34. Melinda Mislang LiguitSabado, Setyembre 12, 2015

    Ipinahihiwatig lamang ng dagling ito na nararapat lamang na unahin o bigyang importansya ang ating pamilya dahil sa mundong ito ang pinakamahalaga ay ang pamilya. Buong akala ko'y hiningi ng bata ang pera dahil sa sarili niyang kagustuhan o luho dahil alam natin na marami ng ganoon sa kasalukuyan ngunit nagkamali ako dahil hiningi lamang ng bata ang pera upang bigyan siya ng oras at upang maramdaman niya ang presensya ng kanyang sariling ama. Nakaaantig ang dagling ito dahil sa panahon ngayon marami ng mga magulang ang nakatutok sa kanilang trabaho para sa kinabukasan ng kanilang anak ngunit hindi nila alam na ang mga anak na paglalaanan nila ng kanilang pinagtrabahuhan ay uhaw sa presensya ng kanilang sariling magulang. NAPAKAHUSAY! masasabi kong panigurado ay maraming "makakarelate" sa dagling ito. Napakahusay!

    TumugonBurahin
  35. Vincent PanoringanLinggo, Setyembre 13, 2015

    Grabe napakalakas ng nais na ipahiwatig ng dagli na ito. Totoong napakarami ng mga magulang na busy sa trabaho ang nawawalan ng time para sa kanyang pamilya,lalo na sa mga anak nito. Totoo nga na "Ang oras ang isa sa pundasyon ng isang Pamilya"

    TumugonBurahin
  36. nakakaantig ng puso, ngunit nagsasabi ng katotohanan na, mas naglalaan tayo ng oras para kumita (ng pera) kesa sa ating nakikita (pamilya)

    TumugonBurahin
  37. nakakaantig ng puso, ngunit nagsasabi ng katotohanan na, mas naglalaan tayo ng oras para kumita (ng pera) kesa sa ating nakikita (pamilya)

    TumugonBurahin
  38. nakakaantig ng puso, ngunit nagsasabi ng katotohanan na, mas naglalaan tayo ng oras para kumita (ng pera) kesa sa ating nakikita (pamilya)

    TumugonBurahin
  39. Isang dagli na sumasalamin sa katotohanan. Mahusay at nakakaantig ng damdamin at puso na minsan ang karaniwang bata ay nakakadama ng ganito

    TumugonBurahin
  40. naipapakita ng dagling ito na hindi kaya bilhin o palitan ng pera ang pagmamahal. Dahil kahit anong bigay ng pera o kahit anong 'financial support' ang ibigay ng kanyang tatay sa kanyang anak, mas gusto pa rin ng anak niya na nandito lamang sa kanyang tabi dahil inakala ng tatay na kapag nabuhay niya angkanyang anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangangailangan ay tinatawag niyang pagmamahal. Mahusay ang sumulat ng dagling ito!

    TumugonBurahin
  41. Maganda ang mensahe. Maikli ngunit hindi nagpapaligoyligoy

    TumugonBurahin
  42. isa itong patunay na, hindi kayang tumbasan ng pera ang pagmamahal ng mga magulang, at ang kasiyahang naidudulot nito sa kanilang mga anak.

    TumugonBurahin
  43. Mahusay ang pagkakasulat ng dagling ito. Tiyak na marami ang makaiintindi sa nais iparating ng kwento.

    TumugonBurahin
  44. Harrah's Philadelphia Casino & Racetrack - MapyRO
    Find parking costs, 부천 출장안마 opening hours and 김해 출장샵 a 사천 출장샵 parking map of Harrah's Philadelphia Casino & Racetrack 4000 West 시흥 출장안마 Chester 의왕 출장샵 Ave., in Chester, PA.

    TumugonBurahin