Huwebes, Setyembre 10, 2015
Anak ng Overtime
Hindi mapakali ang
lalaki. Kada minuto'y tingin sa orasan. Pasado alas dos na ng madaling araw.
Kasabay ng pagbagsak ng maiinit na likido sa mukha.Tanging liwanag na lamang ng
kanyang computer ang bukas. Sobrang sakit na . Kahit anong upo at ipit niya ay
ayaw mawala. Ayan na .... on the way na ! Mabilis na kumaripas ng takbo ang
lalaki. Hinanap ang elevator. Pagkalabas ay pumasok sa cubicle. Nang makalabas
ay umaliwalas ang mukha, "SUCCESS!" May naaninag na isang babae.
Nakaputing bestida . Namumutla ang maputing balat. Bumilis ang tibok ng puso
niya. Nanginig ang buong katawan sa takot. Naalala ang palabas ni Angelica
Panganiban na White Lady. Napansing haharap ang babae. Kinilabutan sa nakita .
Sobrang bigat na ng kanyang pakiramdam. Humarap ang babae. Napuno ng maingay na
tunog ang CR, "Anong ginagawa mo dito?" Sabay nilang sigaw. Lumabas
siyang puno ng pagtataka. Muling tumingin sa pinto ng kubetang kanyang pinasukan....
"Walang hiya , Girl's Room ang napasukan ko!!!!"
Solusyon
Nagising nalang ako isang araw sa sobrang gaan na ng pakiramdam ko. Yung parang wala ng mga pasanin. Anim na buwan narin simula nung sobrang ma- depress ako. Papaanong hindi ? Sermon sa bahay, pambubulas sa school at pamamahiya ng guro, pakiramdam ko, ako na ang pinakamaliit na tao sa mundo. Pero kalimutan na natin yun. Pakiramdam ko talaga ang gaan- gaan ko, yung wala na akong pinapasang mundo. Siguro dahil to sa kakaiyak ko kahapon, sobrang nakakahiya yung araw na iyon, nag- umpisa sa pambubugbog ni itay kay inay, napagtawana ako sa school dahil wala akong pera pang-bayad sa module, at pinagtawana nila yung sapatos ko na tatlong taon ko nang ginagamit, wala kasing perang pambili. Iyak ako ng iyak nang kinagabihan at ang huli kong naalala...
Hindi... Hindimaari ito .
Ang huli kong naalala ay kumuha ako ng lubid at... Hindi...
Hindi... Hindi
Ang huli kong naalala ay kumuha ako ng lubid at... Hindi...
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)